Hanash Daily

Real stories from real people. Ikaw, ano ang hanash mo sa buhay?

Group Leader in SHS, Hindi Isinama Ang Groupmates Sa Report. Lahat Bagsak, Ang Isa Nagpakamatay Pa.

Sa high school, uso ang mga group projects. It’s a form of exercise para ma-develop at ma-train ang skills ng students when it comes to leadership, teamwork, communication, delegation, at resourcefulness.

Kaya lang, sa story na ito mula sa Reddit, hindi nag-participate ang mga groupmates due to many different reasons and excuses. Find out how the group leader handled the situation at kung ano ang naging reaksyon ng groupmates niya, professor nila, and even parents ng mga estudyante,

Read the full story here.

ABYG kung nabagsak mga kaklase ko dahil sa akin?

This happened during SHS sa subject na Disaster Readiness and Risk Reduction.

Ako (19M then, now 23M) nag-video, nag-research, nag-interview, at nag-edit ng final product. Yung mga kaklase ko no show.

2 days lang kasi binigay sa amin, and timing na sa Monday pa yung presentation, so may extension ng deadline. That Friday, since wala kami class, I requested my classmates (or groupmates) na magpunta sa isang lugar regarding yung recent major landslide.

No show sila. Dami pang excuses.

Agree na sana lahat, pero noong nakarating na ako sa venue, isa-isang nagsilabasan ang isyu. Kesyo di pinayagan ng magulang, walang masakyan ng jeep, etc.

Sila pa nag-volunteer na silang 8 mag-e-edit ng final product.

Sobrang disappointed ni OP.

Sa sobrang inis ko, I finished everything kahit wala na nga nakainterview ng local government for statistics (kumuha nalang ako from PSA since nahihiya na ako naginterview magisa).

Pero I did interview local people sa park, as well as a few friends na mismong natamaan ng landslide at naging homeless.

Kahit sa interview or research man lang, di pa sila macontact. One tried to send me details pero puro off-topic (i.e. flashfloods, lindol).

This was how the presentation went.

Monday came and ang kakapal ng mukha nila para sabihing “Bakit di ka nagsend ng video?”

Eh natural, natapos ko na nga at mag-isa lang ako.

During presentation time, walang nag-present na groupmates ko, since puro voiceover ko yung nasa video. Yung last slide, puro pangalan ko nakalagay sa mga credits, including a few anonymous people.

Nakiusap ang professor in behalf of the groupmates.

2 weeks later and 3 days after the Final Exam, pumunta sa akin yung teacher namin for that subject, tapos naghihingi ng favor kung pwede raw na “i-add ko nalang sa final project yung mga pangalan ng classmates ko.”

Otherwise, babagsak sila.

I refused. Kahit gumuho pa ang mundo, I don’t care.

Hindi talaga nagpatinag si OP.

Later that day, lumapit uli yung teacher ko, kasama yung 8 groupmates ko, and each of their galit-na-galit na parents nila.

May nagmakaawa, may nagluhod, at may naghurementado.

Isa lang tinanong ko sa kanila, “Sa lahat ng assignments na ginawa ko as the leader of the group, ano ba ang nagawa nila?” No one responded except for a few side-eyes.

Kahit ako pa ang teacher, ano iga-grado ko sa kanila kung wala naman silang nagawa?

TBH, the first and last tulong nila is hinawakan yung iPad ko and BT speaker for presentation.

Ito yung surprising twist, Nakaka-shock!

This week is currently my last week before graduation sa college.

One of those 8 finally chose to contact me after that final project incident. In the message, he blamed me for all the failures kung paano nasira buhay niya since he lost confidence during college, at kung paanong none of them will ever graduate.

One actually ended his life 6 months after that day.

OP did not feel guilty about it all.

I felt pity, pero deep inside, medyo deserve ko pa rin yung line of 9 for that final project. Wala na ngang final exam noon since yun na ang final output.

After that day, feel ko I no longer have any favors with them. Di ko na sya nireplyan after that message. Nasira rin kasi phone ko and I had to switch sim cards due to plan issues.

So, ako ba ang mali? I may have sounded a bit entitled, pero I felt like tama nga naman ginawa ko.

What can you say about this story? Let’s read some comments below.

Sabi ni user dito, dapat nag-effort and groupmates ni OP.

Source: Reddit/ABYG

Sabi nito, hindi dapat sisihin yung leader.

Source: Reddit/ABYG

You think kailangan pang paabutin sa Department Head or sa Dean?

Source: Reddit/ABYG

Oo nga, bakit kasi hindi na lang nagbigay ng ibang project yung prof?

Source: Reddit/ABYG

Kung ikaw ang nasa lugar ng group leader, what would you have done?

Tagged:

1 COMMENTS

  1. Ako dati group activity yun noong high school …interview din at reporting ako mag-isa gumawa pero pinasa ko as a group kahit boses ko lang nandoon .Prinesent sa buong klase.😊

LEAVE A RESPONSE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts