
This Lady Has A Roommate Na Hindi Na Nagparamdam Kahit May Utang Pa Siya Sa Rent. Because Of This, She Wants To Throw Her Things Already.
Hindi lang pala sa romantic relationships uso ang ghosting, pati sa friendships at roommate relationships din. Itong story natin ngayon is about a roommate na hindi na nagparamdam at hindi na rin nagbayad ng utang sa rent.
Because of this, OP is thinking of throwing away her things na naiwan niya sa condo. So what do you think? Tama lang ba na itapon na ni OP yung mga gamit ni roommate (dahil kumakain din ito ng space sa condo niya) or mag-antay muna siya?
Read the full story below and you be the judge sa hanash ni sender.
ABYG if tatapon ko na mga gamit ng housemate ko?
To give you some context: wala na siyang paramdam sa pagbabayad ng natitira niyang utang sa rent and utilities.
Tumakas siya ng condo nung nakaconfine ako ng more than 1 week.
May utang siya samin ng partner ko sa deposit, then nung bigla siyang tumakas, dala ay bag and some clothes.
Nag-iwan siya ng gamit na nasasakop ung isang buong room.
Wala nang paramdam si roommate.
Now, kami ng partner ko ang nagbabayad ng buong condo.
Gusto na namin siyang gamitin pero di na siya nagpaparamdam.
Huling usap namin is 2nd week ng June na nangangako na bayaran yung remaining 7500 na balance, which is di naman nangyari.
Weekly ang sahod niya, tapos kada sahod weekly din yung party.
Medyo kadiri si roommate… to think na girl pala siya.
May part sakin na narelieve ako nung umalis siya kasi super dugyot nya, to the point na pag naghuhugas siya ng pinggan, puro kanin pa ung mga plates and lababo, at di sya marunong maglinis.
Puro ipis na yung kwarto niya, at isa pa, nung pagbalik ko from the hospital para maglinis, puro basura ng pagkain ang kwarto niya.
Babae to ah.
Eeew talaga!
Pag to nasa condo, kala mo binagyo yung sahig na puro putik.
Mahilig siya mag-iwan ng basura sa ref ng nga wrapper niya, at mga napkin at pantiliner sa lababo.
Nung kami nalang ng partner ko, for some reason kahit di kami everyday maglinis, malinis naman yung condo.
So ayun. Ako ba yung mali if itatapon ko na mga gamit niya?
Wala naman nang paramdam.
Sa tingin ninyo, pwede na bang itapon ni OP yung mga gamit ng roommate niya?
Let’s see sa mga comments ng users.
Tama, ultimatum muna bago itapon.
Oo nga, para magkasisihan man, may proof ‘di ba?
Well, kung wala na talagang paramdam at may utang pang hindi nababayaran, siguro you have the right to decide kung anong gagawin sa gamit niya.