
20 Signs Na Nakaangat Ka Na Sa Buhay
Time flies so fast, and with hard work, dedication, and perseverance, we can significantly change the status of our lives. Kung dati-rati nakikinood ka lang ng TV sa kapitbahay, baka ngayon eh mahina ang tatlong Smart UHD TV sa bahay. Alam mo yun, it doesn’t have to be big things like having a mansion or a sports car. Pero yung marealize mo na iba na ang buhay mo ngayon kaysa noong maliit ka, malaking bagay na yun!
So in this post, let’s ask our mga ka-hanash kung ano para sa kanila ang mga obvious or subtle signs na nakaangat ka na sa buhay. Here are our 20 best answers! And kung may idadagdag ka pa, just leave a comment below. Enjoy!
1. “Cravings na lang ang sardinas at pancit canton.”

True! Dati kasi ulam na ang mga ito, at pinag-aagawan pa, Yung instant noodles, napakaraming tubig para magkasya sa magkakapatid. Yung sardinas naman, hati-hati na isang lata. Pero ngayon, kahit ilan ang gusto at kahit kailan mo gusto.
2. “May aircon na sa bahay ninyo at hindi na nag-aagawan sa electric fan.”

At hindi lang sa kwarto, pati sa salas at dining room din, para complete experience, di ba?
3. “Nakakapag-grocery ka na nang hindi nagka-calculator.”

Ito yun oh! Check na check! Ang sarap ma-experience nito. Dampot ka lang nang dampot. Hindi na kailangan tignan ang price tag.
4. “Nakakapagtravel ka na sa mga bansang gusto mong mapuntahan.”

Hong Kong, Japan, Singapore, Australia, France, UK, USA, Canada… Wait ka lang, bucket list pa lang yan, pero malapit na magkatotoo. Hehe!
5. “Hindi na lang needs ang nabibili mo, pati na din ang wants.”

Dati kasi kahit needs, kulang na kulang pa rin. Pero this time, we deserve to get what we want.
6. “Puro branded ang damit at sapatos.”

Aminin mo, mas presko, magaan, at masarap sa balat yung mga mamahaling damit at sapatos.
7. “You have a home that you can finally say is your own.”

Yes! Rented man yan or owned na, yung may comfortable place ka na to eat, sleep, and spend time with your family eh talagang parang grand prize na sa life.
8. “Napapakain na sa labas ang buong pamilya.”

This is such a wonderful feeling talaga. Ang sarap i-spoil ang ating loved ones lalo na’t isa sila sa dahilan ng ating tagumpay. They deserve to be treated well.
9. “Medyo yumayabang yabang ka na ng bahagya. Lol.”

Well, some people are like this. Umangat lang nang kaunti eh akala mo ang layo na nang narating. IUt’s still important to stay humble and grounded kasi syempre galing din naman tayo lahat sa hirap, di ba?
10. “Iced coffee is life.”

Yung hindi na lang pampagising ang kape para sayo, but it’s starting to become a lifestyle na rin. O, ingat ha, baka magpalpitate kapag nasobrahan. Haha!
11. “May Nutella lagi sa kitchen.”

Para sa mga bagets at feeling bagets!
12. “Hindi mo na sinisingil ang mga may utang sayo.”

Aba’y syempre naman, ambag na natin yun sa buhay nila. Kung maalala nilang magbayad, thank you. Kung hindi naman, sige, okay lang. Ganyan yata talaga kapag nakakaluwag-luwag ka na, naging mas understanding ka na sa pinagdaraanan ng ibang tao. Wow, hugot?
13. “Pag naka-electric toothbrush ka na, tapos Sensodyne na ang toothpaste mo.”

Basta hindi na asin o Happee ang toothpaste, it means umaasenso na. Samahan mo pa ng dental floss at mouthwash, panalo talaga!
14. “Nakapagpa-braces na.”

O diba, kayang-kaya na ang down payment na 10k, tapos 2k every visit! Basta para sa ikagaganda, okay lang gastusan.
15. “Kahit walang bisita, nakakainom ng Coke.”

Check na check. Yung nasa 1.5L or 2L na bote pa. At minsan, may stock pa sa ref. Ang sarap, hindi ba?
16. “Hindi ka na nanghihingi ng bawang, sibuyas, malunggay, at talbos ng kamote sa kapit bahay.”

Syempre naman, kasi nakabili ka na nang isang kilo o mahigit pa sa palengke o kaya naman sa grocery. Minsan, ikaw pa ang hinihingan ng kapitbahay.
17. “Nakakapag-Jollibee na any time, kahit walang okasyon.”

Minsan naisip lang o kaya biglang nag-crave. Minsan naman pasalubong sa mga anak. Ang sarap ng feeling kapag nakakabili ka na ng bucket of Chicken Joy, ano? Samahan pa ng French fries, Yumburger, at Jolly spaghetti. Winner!
18. “Hindi na sabong bareta ang panghugas ng plato.”

In fairness, kaunting punas lang sa sabong bareta, napakadulas at malinis na agad ang pinagkainan. Pero ngayon, de-bote with pump na ang dishwashing soap. Sosyal!
19. “May peace of mind na at nakakatulog nang mahimbing sa gabi.”

Ito talaga iyon eh! Ang ultimate measure of success.
20. “Ice cream na talaga ang laman ng mga Selecta or Magnolia tub sa freezer, hndi na isda.”

Naaalala mo yung excited kang makita ang tub ng ice cream sa freezer nyo, tapos nagready ka pa ng tasa at kutsara? Tapos pagbukas mo, isda pala ang laman! Ang saklap, diba? Minsan karne, pero ganon din… nakaka-disappoint. Pero ngayon, iba’t-ibang flavors pa ng ice cream.
Napakabittersweet balikan ang dati no? At nakakahumble maramdaman na ang layo na nang narating mo. Kaya itong mga nilista natin sa itaas, these aren’t just signs na nakaangat ka na sa buhay. These are receipts or evidence that your hard work paid off and you deserve to have a better and more fruitful life.
Ano pa maidadagdag mo, ka-hanash. Comment ka lang below.