Hanash Daily

Real stories from real people. Ikaw, ano ang hanash mo sa buhay?

Girlfiend Went To Her Boyfriend’s House. Nung Lumabas Sila Sandali, Pinakialaman Ng Nanay Ng BF Niya Ang Gamit Nito

Whether you’re a private person or not, hindi magandang experience yung pakialaman ang gamit mo. Kahit sabihin pang, close sa iyo yung taong gumalaw ng gamit mo. What more kung hindi naman kayo close, di ba?

Sa kwentong ito ni OP (original poster), pinakialaman ng mother ng boyfriend niya yung gamit niya. At may mga nawala pa! Grabe ba? Bashin niyo na lang ang buong kwento rito.

Nanay ng boyfriend ko ay nangingialam ng gamit

Hello everyone!  Gusto ko lang magshare. ng saluobin. I’ll make this short.

Mabait fam nya, very welcoming. Kaso, ang nanay nya,nangingialam ng gamit!

Dito nagsimula ang kuwento ni OP.

Bumisita ako sa kanila, at mag-i-stay sana ako ng 3 days.

Nung umalis kami ng bf ko sa bahay nila para mag mall, iniwan ko ang bag ko sa kwarto ng bf ko, at ni -lock ang pinto.

Eto na nga. Pagbalik nila, na-discover niya na nakabukas na ang bag niya.

Pag-uwi namin, naka-bukas na ang bag ko, at nakalabas ibang gamit ko. 100% sure ako naka-lock ang kwarto, at nakaayos gamit ko kasi kakadating ko palang nun sa kanila.

Sinabihan ko ang bf ko paki-tanong sa kanila, baka may napansin silang may nakapasok sa bahay, kasi may mga gamit akong nawawala.

Ang makeup, perfume, at skin care products ko, so importante yun sa akin.

Tinanong ng boyfriend niya sa pamilya nito kung may nakapasok ba sa bahay nila.

Pumunta kami sa sala kasi dun nakatambay fam nya that time, at dun nya tinanong kung may napansin ba sila, at sinabi ng bf ko na yung mga specific products na nawala sa bag ko, at kung meron bang nawawala din sa kanila.

Tapos sumagot nanay nya na, “Ay akala ko para sa amin yung nasa bag.”

Speechless si ate girl sa sagot ng mother ng BF niya.

I was like super shocked. I didn’t expect na may ganitong tao.

Di na ako naka react nang maayos kasi nagalit na bf ko. Tapos after that, humingi ng pasensya bf ko, then hinatid ako pauwi.

Yun lang. Sobrang shocked ako kasi ganon ang nangyari 😭 Di na ako inabot ng 3 days sa kanila.

Ano kaya ang reactions ng mga netizens sa kwentong ito?

Source: Reddit/OffMyChestPH

So, excuse na lang ba ni mother yung “Akala ko para sa amin yun”?

Source: Reddit/OffMyChestPH

Naku, bad combination ito ha.

Source: Reddit/OffMyChestPH

True! Ngayon pa lang nalaman na ni OP ang possible issues in the future.

Source: Reddit/OffMyChestPH

Advance mag-isip si commenter dito.

Baka naman honest mistake lang. Why don’t you give her another chance? Pag naulit, major red flag na talaga!

Tagged:

LEAVE A RESPONSE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts