
This Lady Was Not Feeling Well And Decided To Buy Chips. May Batang Humingi, Hindi Nya Binigyan. Madamot Ba Si Ate?
We all want to help and be nice naman to others. Given naman yun, hindi ba? Kaya lang if you’re not feeling well or you don’t have extra, you are not “forced” to give out something of your own.
Sa story kasi na ito ng isang Reddit user, may batang humingi kay OP (original poster) ng snack niya at hindi niya binigyan. Feeling niya tuloy ang selfish niya.
Pero may reason naman kasi siya. Read her story here.
ABYG dahil di ko binigyan ang batang nanghingi sakin ng pagkain?
Ako ba yung mali dahil di ko binigyan ang batang nanghingi sakin ng pagkain?
Ilang araw nang may sakit si OP.
I have a hard cough and a stuffy nose for 3 days na.
It came to the point na hindi na ako nakakaamoy ng mga common na amoy, like coffee, rice, etc. Tanging inhaler lang ang naamoy ko.
Tiyan, puson, katawan—lahat na yata, masakit sa kaniya.
Masakit sa tiyan kapag uubo ako, and I swear, buong katawan ko sobrang sakit. Nakakatamad gumalaw sa bahay.
May monthly period pa ako, at masakit ang puson ko. I also have hard time on my tastebuds kasi wala na akong nalalasahan.
While she’s buying chips, may batang lumapit sa kaniya.
So, an idea came up to my mind na bibili ako ng Piattos kasi maalat siya, in the hopes of bringing my sense of taste back.
May isang bata na naglaro sa tindahan nun tapos sabay sabi: “Te, pahingi nga”. I was caught off guard dahil:
- Ayoko makahawa ng sakit ko. It’s so bad, lalo na’t bata pa siya.
- Di ko kilala ang bata. Namukhaan ko lang siya, pero di ko alam pangalan niya or kahit palayaw lang.
Ang ending, hindi nag-share si ate girl na may sakit dun sa bata.
So, sinabihan ko siya na, “Ayoko kasi mahawaan ka sa sakit ko ngayon” sabay alis.
ABYG kung naging madamot ako sa bata?
Naging selfish nga ba si OP or tama lang ang ginawa niya. Tignan natin ang comments:
Tama, nagpaliwanag naman si OP kahit maiksi.
Yung bata ba ang rude o itong comment na ito?
Sarap kayang simutin ng Piattos, di ba?
Hayaan mo na yun, ate. Next time na lang, kapag may extra ka, saka mo isipin kung bibigyan mo yung bata.