
Husband Plans A Big Celebration For His Mom’s Birthday Habang Nasa Hospital Ang Mother-in-Law Niya. Tama Bang Maghanda Siya?
Filipino families are generally warm, kind, and sensitive. Gaya na lang nitong si OP (original poster). He’s kind enough to share monetary contributions para sa family ng wife niya.
Kaya lang, while mayroong maysakit sa family ng wife niya at medyo nagigipit sila sa pera, he plans to celebrate his mom’s birthday.
Insensitive nga ba yun kung maghahanda siya knowing may pinagdaraanan yung kabila? Kayo na lang ang mag-judge…
ABYG kung maghahanda kami kahit may nagkasakit sa in-laws ko?
Ok, so my MIL got hospitalized, and is currently paralyzed from the waist down.
My wife and her siblings are not that well off. Ako naman, bread winner ako sa pamilya ko, as well as my own family now.
Umabot na nang hundreds of thousands yung bill nila.
Willing naman mag-share si OP sa expenses.
4 silang magkakapatid, at willing naman akong mag-abot sa asawa ko for her share. Minimum wage earner lang din asawa ko, so ako talaga ang sasalo sa share nya.
Ang problema ko, alam kong naghihirap na ang in-laws ko dahil nasa hospital pa rin MIL ko.
Kaya lang may mga parinig sa social media ang kabilang panig.
My wife never told me to shell out more, but one of her brothers has a wife na nag-post na meron daw mga tao with ‘misplaced priorities’.
Parang gusto nilang magbantay ako dun sa hospital at magbigay ng more pa.
Bakit ko ba gagawin yun eh nakapag-ambag na ako more than our share (supplies, food, etc. on top of the money)?
OP is planning na maghanda nang bongga for his mom’s birthday.
Next month, birthday ng biological mom ko at gusto kong maghanda, as in with lechon and catering.
Di ako sure kung iimbitahin ko sila, at natatakot akong malaman nila na may handaan. Baka masabihan na naman ng ‘misplaced priorities’.
He justifies kung bakit gusto niya ng big celebration.
Eh pera ko to.
Mahal ko ang Mama ko, at ang daming naging sakripisyo for me and my now family.
Sya nagbabantay pag nasa work kami. Sya nag-aattend ng meeting sa school pag wala kami. Hindi nanghihingi ng allowance.
Kasabay nito, he’s comparing naman his wife’s family and their lack of support sa family nila.
Yung family ng asawa ko maski piso, hindi gumastos para sa mga anak namin.
Maski isang gabi, hindi nakabantay sa mga anak namin. Nung na-ospital ang anak namin, hindi nila mabisita.
Nung nag-agaw buhay ang tatay ko, wala nga kahit kamusta. Bumisita lang once nung lamay ng tatay ko. 2 weeks nakalamay tatay ko, pero isang beses lang pumunta.
Kaya naman, ito ang mga katanungan niya…
Ako ba yung mali na malayo ang loob ko sa kanila at hindi ako willing magbigay more than our share?
Ako ba yung mali kung magpaparty ako para sa nanay ko kahit may health and financial issues ang in-laws ko?
Let’s see kung ano ang sabi ng mga commenters.
Tama. Kaya just do what you think is best.
Oo nga, OP. Baka naman nag-aassume ka lang sa post nila.
May point naman siya dito.
You have your reasons to celebrate your mom’s birthday. Kaya go lang, Hindi mo na problema yun, OP, if hindi nila matanggap yun.
Pero kung ikaw ang nasa lugar ni OP, what would you do?